Naglatag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga panukalang hakbang upang mapalakas ang seguridad sa enerhiya sa ginanap na Asia Zero Emission Community (AZEC) Plus Online Summit ngayong araw, Abril 15, 2026.
Sa kanyang intervention, binigyang-diin ng Pangulo ang matinding epekto ng pagsasara ng Strait of Hormuz, na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng diesel at LPG sa bansa.
Aniya, naapektuhan nito ang transportasyon, suplay ng pagkain, at sektor ng industriya.
Dahil dito, nagdeklara ang pamahalaan ng State of National Energy Emergency at ipinatupad ang programang UPLIFT upang tugunan ang epekto ng krisis, kabilang ang fuel optimization at tulong sa mga apektadong sektor.
Ipinunto rin ni Pang. Marcos ang kahalagahan ng regional cooperation, partikular ang pagpapatibay ng ASEAN Framework Agreement on Petroleum Security, upang magkaroon ng koordinadong tugon sa kakulangan ng suplay ng langis.
Kabilang sa mga iminungkahi ng Pilipinas ang agarang pagpapatupad ng APSA emergency response mechanism, pag-aaral sa joint oil stockpiling, at pagbuo ng mekanismo para sa mabilis na distribusyon ng fuel sa mga bansang nangangailangan.Philippine Travel Guide
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang sama-samang pagkilos ng mga bansa sa Asya upang matiyak ang matatag, sapat, at abot-kayang suplay ng enerhiya.











