-- ADVERTISEMENT --

Itoy kasunod ng bahagyang pagkaantala ng 36th trial day, naglabas na ng ruling si Sen. Chiz Escudero.

Ayon kay Escudero, naiintindihan niya ang kalagayan ng Prosecution panel kasunod ng pagkakasakit ni Atty. Erwin Matib na siya sanang nakatakdang magpresenta sa BIR witness.

Ngunit kung kakayanin pa rin aniyang habulin ni Atty. Matib ang trial ngayong hapon, umaasa pa rin ang korte na maipagpapatuloy ito.

Kung hindi naman ito mangyari, maaari naman aniyang ibang abogado ang magpresenta o kung hindi man, maaari ring unahin ang forensic expert bago ang BIR witness.

Sa huli, hiniling nina Sen. Tito Sotto at Sen. Migz Zubiri na mag-break na muna ang impeachment court.

-- ADVERTISEMENT --