-- ADVERTISEMENT --

Umasa si Interior Secretary Jonvic Remulla na maaprubahan ng Sandiganbayan ang kanilang ipapasang mosyon na ilipat sa Philippine National Police (PNP) General Hospital si dating speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Remulla na mayroong kakayahan ang PNP General hospital kung ano rin ang mayroon ang private hospital kung saan naka-confine ang mambabatas.

Tanging papayagan lamang namakabisita ang mga abogado nito at ang immediate family member ng mambabatas.

Inatasan na rin ni Remulla ang mga opisyal ng New Quezon City Jail sa Payatas Road na ihanda na rin ang selda ni Romualdez.