-- ADVERTISEMENT --

Inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng isang Philippine Eagle matapos matagpuan ang mga labi nito malapit sa isang poste ng kuryente sa Salay, Misamis Oriental.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Northern Mindanao nitong Sabado, natagpuan ang mga labi ng agila noong umaga ng Oktubre 1 sa Sitio Panghaon ng Barangay Guinabalan.Bumili ng Planner

“CENRO Gingoog City received a report from barangay officials at around 11:00 a.m. on October 1, after a farmer discovered the eagle at approximately 9:00 a.m. near a power line while visiting a nearby farm,” pahayag ng DENR.

“Based on information gathered during the field investigation, the eagle was reportedly last seen flying on September 30 between 10:00 and 11:00 a.m.”

Batay sa DENR, ang adult eagle ay may 76-inch wingspan, na may 36-inch individual wing span, 40.5-inch tail, at tinatayang bigat na 5.25 kilograms. Bukod pa rito, ang tuka nito ay may sukat na humigit-kumulang eight centimeters, o 3.18 inches ang haba.

-- ADVERTISEMENT --

Bagama’t walang nakitang panlabas na sugat sa katawan ng ibon, napansin ang mga marka na parang paso sa mga paa nito. Sinabi rin ng mga awtoridad na naglalabas na ng masamang amoy ang bangkay, na nagpapahiwatig na maaaring namatay ito ilang oras bago pa matagpuan.

“Given these observations and the eagle’s proximity to an electrical post and power line, electrocution is being considered as a possible cause of death. The actual cause, however, remains subject to further examination and confirmation through necropsy,” dagdag pa ng DENR.

Ang Protected Area Management and Biodiversity Conservation Section (PAMBCS) ng DENR Region X ang kumupkop sa mga labi ng agila at inilipat ang mga ito sa Bukidnon Provincial Zoo sa Malaybalay City para sa secure storage.

Noong Oktubre 2, ipinasa ang mga labi sa Philippine Eagle Foundation (PEF) upang sumailalim sa necropsy at karagdagang pag-aaral.

Ang pambansang ibon ng Pilipinas, ang Philippine eagle (Pithecophaga jefferyi), ay itinuturing na nangungunang carnivore animal sa bansa. Matatagpuan lamang sila sa Luzon, sa mga probinsya ng Leyte at Samar, at sa Mindanao, ayon sa Philippine Eagle Foundation.

Ang species ay nakalista bilang critically endangered ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) at may tinatayang populasyon na mas mababa sa 400 breeding pairs.