-- ADVERTISEMENT --

Inabangan mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang pagkukulay pula ng buwan dahil sa Total Lunar Eclipse.

Nagsimula itong matunghayan ng pasado alas-11 ng gabi nitong Setyembre 7 hanggang alas-4 ng umaga nitong Setyembre 8.

Nagkulay pula o ala kulay dugo ang buwan kapag dumaan ang buwan sa anino ng mundo.

Sa Pilipinas ay maraming mga Pinoy ang nadismaya dahil sa makapal na ulap na tumakip sa buwan.

Habang sa PAGASA Astronomical Observatory sa University of the Philippines sa Diliman Quezon City ay mayroong mga nag-abang at nakita nila ang buwan gamit ang ilang mga instrumento.

-- ADVERTISEMENT --