-- ADVERTISEMENT --

Mayroong isang hiling si Kris Aquino para sa kaniyang ika-55 kaarawan ngayong Pebrero 14.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ang Queen of All Media ng larawan na mayroong mga birthday balloons.

Sinabi nito na patuloy ang kaniyang paggaling kung saan ang hiling niya ay umabot pa siya ng edad 60.

Ibinahagi rin nito ang update sa kaniyang kalusugan kung saan hindi pa siya pinapayagan na maglakad sa labas hanggan hindi natatanggal ang tahi.

Ipagkakatiwala din nito sa isang magaling at kilala niya na kaibigan ang showbiz career ng anak na si Bimby.

-- ADVERTISEMENT --

Maguguntang taong 2022 ng nagtungo sa US si Kris para magpaggamot sa kaniyang siyam na autoimmune conditions at nagbalik sa bansa noong 2024.