-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ng suporta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapalakas ng mga pananggalang sa pambansang seguridad kasunod ng mga ulat ng umano’y foreign-directed espionage sa bansa.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, patuloy na pinauunlad ang legal at institutional frameworks upang matugunan ang mga nagbabagong banta, ngunit hindi maaaring ibunyag ang ilang detalye dahil sa usaping pambansang seguridad.

Nauna nang kinumpirma ng National Security Council (NSC) na may mga Pilipinong inaresto dahil sa umano’y pagkakasangkot sa espionage na may kaugnayan sa China.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang Embassy of China in Manila, habang binibigyang-diin ng AFP ang kahalagahan ng pagbabantay at koordinasyon ng mga ahensya laban sa makabagong banta tulad ng cyber at technological espionage.