-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ng kampo ni Sen. Bato Dela Rosa na pinoproteksyunan lamang ng mambabatas ang kanyang karapatan kaya’t hindi nagpapakita o nagtatago.

Ito ang naging paglilinaw ng abogado ng senador na si Atty. Israelito Torreon nang matanong sa isang eklusibong panayam kung anong angkop na pagsasalawaran sa sitwasyon ni Sen. Dela Rosa.

Habang kanyang patuloy na kinuwestyon ang P50-milyon pabuya kontra sa mambabatas, at pagturing bilang ‘armed and dangerous’ na aniya’y pawang ‘shoot to kill order’ umano.

Kaya’t hamon ng abogado sa mga nais panagutin si Sen. Bato, dalhin aniya ito sa lokal na korte sapagkat gumagana naman daw ang ‘justice system’ sa bansa.

Sa kabila ng napasong ‘ultimatum’ ng Philippine National Police at paglalagay ng patong sa ulo ng senador, sa kasalukuyan ay hindi pa rin tuluyan naaaresto ang mambabatas.Bumili ng Globo

-- ADVERTISEMENT --

Si Sen. Bato Dela Rosa ay isa mga pinangalanan co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kasong ‘crimes against humanity’ sa International Criminal Court dahil sa implementasyon ng madugong ‘war on drugs’.