Inihayag ng kampo ni Senador Bato Dela Rosa na maituturing panggigipit ang inilaang 50-milyon pisong pabuya ng pmahalaan sa sinuman makapagtuturo ng kanyang kinaroroonan.
Pati ang isang linggong ‘ultimatum’ ng Philippine National Police (PNP) para boluntaryong sumuko na ang senador ay kanilang itinuring panggigipit din sa mambabatas.
Maliban dito’y posible aniyang ginagamit ang naturang usapin bilang bahagi sa ‘political circus’ ng pamahalaan upang pagtakpan umano ang iba pang mas mahahalagang problema ng bansa.
Magugunitang inanunsyo mismo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ang ‘50 million pesos bounty’ kontra sa senador.
Habang ang isang linggong ‘ultimatum’ naman ng Pambansang Pulisya para magpakita na ang mambabatas ay napaso na kahapon ng Biyernes, ika-30 ng Oktubre.
Si Sen. Bato Dela Rosa ay nahaharap sa ‘warrant of arrest’ ng International Criminal Court buhat nang pangalanan bilang co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa implementasyon ng ‘war on drugs’.










