-- ADVERTISEMENT --
Ipinunto ni Vice President Sara Duterte na ang administrasyong Marcos ang nasa likod ng mga alegasyong ibinabato laban sa kanya.
Ayon kay Duterte, ginagamit umano ng communication office ng administrasyon ang mga isyung may kaugnayan sa katiwalian na dapat aniyang sagutin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang ibaling ang sisi sa kanya.
Iginiit din ni Duterte na kay Marcos mismo nagsimula ang isyu ng umano’y “maleta scheme,” matapos itong iugnay sa mga pahayag ng isang testigo na iniuugnay kay Zaldy Co.











