-- ADVERTISEMENT --

Naghain ng affidavit ang abogado ni Vice President Sara Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng mga alegasyon ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr. sa umano’y paghahatid niya ng mga maleta ng pera sa pamilya Duterte

Ayon kay Gracioso, na dating bahagi ng security detail ni dating House Speaker Lord Allan Velasco, naghatid umano siya ng mga cash-filled suitcase kay Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte, sa umano’y utos ni Velasco.

Tinatayang mahigit P2 bilyon umano ang kabuuang perang naihatid ni Gracioso kay Vice President Duterte ayon sa kanyang mga pahayag. Sinabi rin niyang ang bawat maleta ay maaaring maglaman ng milyun-milyong piso.

Mariin namang itinanggi ni Vice President Sara Duterte ang mga alegasyon.

Hindi naman personal na dumalo ang bise presidente sa NBI at tanging ang kanyang abogado lamang humarap upang isumite at ipaliwanag ang kanyang affidavit at tugon sa mga alegasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Atty Clifford Chua, hindi naman na kailangan pang mag-appear ng personal ang bise kaya sila na lang ang kumatawan sa pagpapasa ng affidavit.

Ayon pa kay Chua maraming kasinungalingan umano ang mga alegasyon ni Gracioso. Kasama rin sa nilalaman ng affidavit ang mga larawan na inilabas ng bise presidente sa kaniyang isinagawang presscon.

Sa ngayon, under investigation pa rin si Bice President Sara Duterte kaugnay ng mga alegasyong kinakaharap nito patungkol sa cash filled suitcase o ang pagtanggap umano ng male-maletang pera na inihatid umano ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr.

Ayon naman kay Atty Chua na susuriin ng kagawaran ng NBI, ang ipinasang affidavit ng kampo ni Vice President Sara Duterte at isasailaim sa isang fact finding process.