-- ADVERTISEMENT --

Sumentro sa uminit na debate ukol sa voting threshold ang ika-29 araw ng Senate impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Setyembre 23.

Nagharap sa oral arguments sina Representative Chel Diokno para sa prosecution panel ng Kamara at si Attorney Mike Poa bilang kinatawan ng defense team ng Bise Presidente.

Pumalit si Diokno kay House Prosecutor Leila de Lima na hindi natuloy magpresenta dahil sa isang urgent concern, bagama’t hindi na inilahad ang detalye nito bukod sa pag-abot ni Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ng mensaheng “I wish her well.”

Ipinaglaban ng magkabilang panig ang kani-kanilang legal na posisyon kung ang kinakailangang dalawang-katlong (2/3) boto para sa hatol ay ibabatay sa kabuuang 24 na miyembro ng Senado o sa mga kwalipikadong senador-judges lamang na aktibong nakikilahok sa litis.

Inaasahang magpapasya at magdedeliberasyon ang mga senador-judges sa pamumuno ni Escudero upang opisyal na pagbotohan ang gagamiting alituntunin sa hatol.

-- ADVERTISEMENT --