Hinihiling ng House prosecution ang pantay na pagpapatupad ng sub judice rule sa lahat ng sangkot sa impeachment trial, kabilang si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay prosecution counsel Atty. Benjamin Tolosa Jr. na wala siyang nilabag sa panuntunan at ang kanyang mga pahayag sa media ay pagbabalik-tanaw lamang sa testimonya ng mga testigo.
Ayon kay Tolosa, mas malinaw umano ang paglabag sa sub judice rule sa mga pampublikong pahayag ni VP Duterte na aniya’y tumutuligsa sa impeachment court at sa mga senator-judge.
Binanggit ni Tolosa ang pahayag ni VP Sara na hawak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga senador, hukom at piskal.
Para sa prosecution, maaari itong makaapekto sa tiwala ng publiko sa magiging desisyon ng mga senator-judges.
Iginiit ni Tolosa na hindi sila humihingi ng espesyal na pagtrato, kundi patas at pare-parehong pagpapatupad ng mga patakaran sa lahat ng partido sa impeachment proceedings.
“Ang hinihingi lang namin sa prosekusyon, mayroon lang isang rule dito; there is one rule governing the proceedings, and this rule should be applied evenly to all persons covered by it. Dahil alam naman natin kapag ang mga rules, if these are applied without fairness, na-weaken yung mga tribunals. Pero kapag naman yung mga makikita na rules are applied evenly, na-strengthen naman yung tribunal,” pahayag ni Atty. Tolosa.











