-- ADVERTISEMENT --

Umakyat sa US$154.93 billion o P9.60566 trillion ang kabuuang external debt ng Pilipinas noong huling bahagi ng Hunyo 2026 mula sa dating US$147.35 billion noong nakaraang quarter.

Dahil dito, tumaas sa 31.6 porsyento ang antas ng utang laban sa gross domestic product (GDP) ng bansa mula sa dating 30.0 porsyento.

Sa kabila ng pagtaas ng mga obligasyon, nanatiling matatag ang liquidity buffer ng bansa sa tulong ng US$104.74 billion na gross international reserves (GIR) na kayang pumondo sa mga panandaliang utang.

Bumaba rin sa 9.0 porsyento ang debt service ratio mula sa 9.2 porsyento noong nakaraang taon, na nagpapakitang sapat ang pumasok na dayuhang salapi upang bayaran ang mga nakatakdang pagkakautang.

Ayon sa mga opisyal, ang pagtaas ng utang ay idinulot ng mga pautang at pag-iisyu ng global bonds ng pamahalaan para sa pondong pambansa at mga proyektong pangkunlaran.

-- ADVERTISEMENT --