-- ADVERTISEMENT --

Nagdagdag pa ng isang araw si Bruno Mars sa konsiyerto niya sa bansa.

Ayon sa promoter na magiging tatlong araw na ang “The Romantic Tour” concert sa Bulacan sa susunod taon.

Gaganapin ang ikatlong araw sa Mayo 18, 2027 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Sa unang dalawang araw kasi na Mayo 15 at 16 ay na-sold agad ang tickets kaya nagpasya ang organizers na magdagdag ng isang pang araw.

Huling bumisita sa bansa ang singer noong 2023 para sa dalawang gabing konsiyerto niya.

-- ADVERTISEMENT --