Target ng Department of the Interior and Local Government na maaresto si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa loob ng tinatayang dalawang linggo.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, alam na ng mga awtoridad ang kinaroroonan at address ni Co, na wanted kaugnay ng P7.4-billion plunder case sa umano’y anomalya sa flood-control projects.
Nakatakda ring magtungo si Remulla sa Lyon, France upang muling I-follow up sa INTERPOL ang kahilingan ng Pilipinas para sa red notice laban kay Co.Mga Southeast Asian at Pacific Islander
Samantala, makikipag-ugnayan naman sa French authorities si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Iginiit ng dilg na kailangang dumaan sa legal at international procedures ang anumang pag-aresto kay Co sa ibang bansa.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), makikipag-coordinate ito sa French authorities sa pamamagitan ng INTERPOL kung matutunton si Co roon.









