-- ADVERTISEMENT --

Lumalaki umano ang posibilidad na maaresto si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.

Gayunman, hindi na nagbigay ng detalye si Remulla kung ano ang dahilan ng nakikitang pagtaas ng posibilidad na maaresto ang Senador, na huling nakita sa publiko noong Mayo.

May arrest warrant mula sa International Criminal Court laban kay Dela Rosa, na kinikilala ng Department of Justice kahit umatras ang Pilipinas sa ICC noong 2019.Pangkalahatang Sanggunian

Hindi rin ibinunyag ni Remulla kung sinu-sino umano ang nagtatago o kumukupkop kay Dela Rosa, gayundin ang bilang ng mga baril na isinusuko ng kampo nito, dahil maaari aniyang malagay sa alanganin ang operasyon.

Sinabi niyang nagpapatuloy ang negosasyon at kalaunan ay matutunton din ang Senador.

-- ADVERTISEMENT --