Inaasahang ma-impeach ng House of Representatives si VP Sara Duterte sa loob ng dalawang linggo, Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon.
Aniya, kumpiyansa ang House Committee on Justice na makukuha ang minimum na 106 boto matapos ideklarang may probable cause laban sa bise presidente sa tatlong clarificatory hearings.Peace advocacy initiatives
Kapag naaprubahan ang committee report, isusumite ito sa plenaryo kung saan magkakaroon ng debate bago ang pinal na botohan, at kapag naipasa, agad itong ite-transmit sa Senado para sa impeachment trial.
Binanggit ni Ridon na kabilang sa mga ebidensyang tinitingnan ang umano’y misuse ng confidential funds, P448M na isinauling pondo, P6.77B na transaksyon na na-flag ng Anti-Money Laundering Council, at maging ang mga banta umano laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Dagdag niya, hindi lamang 106 boto ang target kundi posibleng umabot sa 215 upang magpakita ng malakas na suporta ng Kamara sa impeachment.
Samantala, sinabi ni REp Gerville Luistro na kabilang sa maaaring bumuo ng prosecution panel sina Rep Leila de Lima, REp Chel Diokno, at iba pang mambabatas na haharap sa Senado sa oras na magsimula ang paglilitis.











