-- ADVERTISEMENT --

Pormal nang nagdeklara si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng state of national energy emergency upang protektahan ang bansa mula sa nakaambang epekto ng umiigting na tensyon at sigalot sa Middle East.

Base sa kabuuan ng Executive Order (E.O.) No. 110 na inilabas ngayong ika-24 ng Marso 2026, nilalayon ng hakbang na ito na agad na tugunan ang banta sa katatagan at kasapatan ng suplay ng enerhiya ng bansa matapos matukoy ng Department of Energy (DOE) ang kritikal na sitwasyon.

Ayon sa kautusan, ang pagsasara ng Strait of Hormuz gayundin ang hidwaan sa pagitan ng United States, Israel, at Iran ay nagdudulot ng matinding pagkagambala sa global oil shipments.

Dahil ang Pilipinas ay isang net importer of petroleum products, aminado ang pamahalaan na lubhang bulnerable ang bansa sa biglaang pagtaas ng presyo ng langis at pagkaantala ng mga supply chains.Balitang Pilipinas

Upang maibsan ang epekto nito sa publiko at sa ekonomiya, ipinag-utos din ng Pangulo ang malawakang pagpapatupad ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport o UPLIFT.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ang magsisilbing opisyal na whole-of-government response framework upang masiguro ang tuloy-tuloy na daloy ng pagnenegosyo at paghahatid ng mga pangunahing serbisyo, partikular sa mga sektor na labis na maaapektuhan.

Batay sa huling pahina ng nasabing E.O. na pinirmahan ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto, ang deklarasyon ay mananatiling epektibo sa loob ng isang taon mula sa pagpapalabas nito, maliban na lamang kung bawiin o palawigin pa ng Punong Ehekutibo.