-- ADVERTISEMENT --

Itinuturing ng mga kapulisan ng Norway na isang uri ng terorismo ang nangyaring pagpapasabog sa US embassy sa Oslo.

Nagtamo ng bahagyang pinsala ang gusali at wala namang naitalang nasaktan sa insidente.

Sinabi ni Frode Larsen, ng police joint investigation and intelligence unit, malaki ang paniniwala nila na isa itong uri ng terorismo pero hindi nila isinasantabi ang iba pangmotibo.

Patuloy ang ugnayan nila sa US diplomats para makatulong sa isinasagawa nilang imbestigasyon.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.

-- ADVERTISEMENT --