-- ADVERTISEMENT --

Pasok na sa finals si Karl Eldrew Yulo ng horizontal bar sa Gymnastics World Cup na ginaganap sa Baku, Azerbaijan.

Nakapagtala ito ng 13.533 points at nagtapos sa ikaanim na puwesto sa qualifiers kung saan kuwalipikado na ito sa medal round.

Ang nasabing event lamang siya nakapasok sa finals dahil bigo ito sa pommel horse at vault events.

Ngayong araw ay sasabak si Yulo sa floor exercise finals habang ang horizontal bar medal round ay magaganap sa Linggo.

Ito ang unang senior level ng Gymnastics World Cup na sinalihan ng nakakabatang Yulo.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang noong Nobyembre ng nakaraang taon ng ganapin ang Junior World Championships ay nagkamit si Yulo ng dalawang bronze medals sa parehas na events.