-- ADVERTISEMENT --

Bumuwelta ang ilang mga kabataang Pilipino sa naging pahayag ni Senador Robin Padilla na ”weak” ang kabataan dahil sa mga lumalalang kaso ng depresyon sa sektor.

Dahil dito ibinahagi ng ilang netizens sa social media ang mga larawan ni Padilla na umiiyak noong naaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa utos ng International Criminal Court, bilang tugon sa sinabi ng senador na “iyakin” ang kabataan.

Ayon kay Riyan Portuguez, isang psychologist at psychometrician, marami sa kabataan ang natatakot magbukas tungkol sa kanilang mga pinagdadaanan dahil agad silang minamarkang mahina.

Nilinaw naman ng Senador sa kanyang social media na ang kanyang pahayag ay batay sa datos ng suicide cases na inanalisa ng kanyang opisina, at hindi lamang isang opinyon.

Hinikayat niya ang publiko na tumuon sa solusyon sa mga problema ng kabataan at hindi sa kanyang sarili.

-- ADVERTISEMENT --

‘Ang nagsasabing mahina o weak ang kabataan ngayon ay ang mga datos ng suicide o pagpapatiwakal na aming pinag-aralan sa aming opisina, hindi bunga lang ng aming mungkahi o opinyon,’ ani Padilla.

‘Harapin ninyo ang nangyayari sa ating kabataan, hindi ako. Matanda na ako,’ dagdag niya.