-- ADVERTISEMENT --

Hindi natuloy ang nakatakdang pagsasailalim sa operasyon ng TV host/ actress Kris Aquino.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang larawan kasama ang dalawang anak na sina Bimby at Josh habang nasa loob ng pagamutan.

Sinabi nito na hindi natuloy ang operasyon dahil sa biglang pagtaas ng kaniyang blood pressure.

Ang isang nakikitang dahilan ng pagtaas ng BP niya ay dahil sa kaniyang migrane.

Pinasalamatan nito ang kaniyang doctor na si Dr. Henry Lu na tumulong para maibsan ang migraine at high blood pressure.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang nitong Lunes , Enero 12 sana ang pagsasailalim nito ng operasyon subalit naurong ito dahil sa nasabing pagtaas ng BP.

Una rito ay noong Abril 2025 ng ibinunyag ng dating actress na ito ay na-diagnosed ng siyam na autoimmune diseases.