-- ADVERTISEMENT --

Inamin ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na lumiit na ang mundong ginagalawan nito matapos na kanselahin ang kaniyang pasaporte.

Ayon kay Roque na kaniyang iaapila ang nasabing desisyon ng korte dahil sa ito ay asylum seeker lamang at hindi nagtatago sa kaso.

Giit pa nito na kasalukuyang nasa The Hague ito dahil hindi niya iiwan si dating pangulong Rodrigo Duterte na nakapiit sa International Criminal Court.

Malaki ang paniniwala na ng habang na ito ay bahagi ng panggigipit sa kaniya matapos na ilabas ang polvoronic video ni Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Magugunitang kinansela ang pasaporte ni Roque matapos na masangkot sa kasong human trafficking dahil sa pagiging abogado ng isang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hub sa Tarlac.

-- ADVERTISEMENT --