-- ADVERTISEMENT --

Dalawang katao na ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan sa bansa.

Base sa datos nitong Linggo, Nobiyembre 9, sa Catbalogan City, Samar, narekober mula sa ilalim ng debris at bumagsak na mga puno ang bangkay ng isang 64-anyos na lola na sinusubukan noong lumikas.

Sa Catanduanes, isa namang residente ang nalunod sa flash flood, ayon sa Civil Defense Office.

Dalawa rin ang naiulat na sugatan, isa mula sa Catanduanes at isa sa Calinog.

Batay sa NDRRMC, mahigit 1.1 milyong indibidwal na mula sa mahigit 344,000 pamilya na ang inilikas mula sa Cordillera, Regions I–VIII, at NCR.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Bicol Region, mahigit 670,000 katao ang nagsilikas dahil sa malakas na ulan at hangin, kung saan halos lahat ng probinsya maliban sa Sorsogon ay walang kuryente.