-- ADVERTISEMENT --

Aabot sa 46 katao ang nasawi matapos ang banggaan ng ilang sasakyan sa Uganda.

Base sa inisyal na imbestigasyon na dalawang bus ang sabay na nag-overtake sa Kampala-Gulu Highway hanggang makasalubong nila ang truck at kotse.

Sinubukan pa ng mga bus na iwasan ang kasalubong subalit napang-abot pa rin sila kung saan isa sa mga bus ang bumaligtad.

Dinala naman sa pagamutan ang ilang pasahero na nagtamo ng sugat sa kanilang katawan.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Uganda President Yoweri Museveni kungsaan bibigyan nito ang kaanak ng biktima ng tig-$1,430 bilang tulong.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinag-utos din ng pangulo ang mahigpit na imbestigasyon sa nasabing insidente.