-- ADVERTISEMENT --
Kinasuhan ni Marikina First District Representative Marcelino Teodoro ng perjury ang dalawang babaeng police.
Ang nasabing dalawang babaeng pulis ay nakatalaga sa kaniya bilang close-in security nong ito ay alkalde pa.
Sinabi ni Atty. Alma Mallonga ang abogado ng kongresista, na isinampa ang kaso sa Manila prosecutor’s office dahil a pag-imbento ng mga kuwento para siraan ang pangalan ng mambabatas.
Iginiit din nila na walang basehan ang isinampa ng mga inireklamong pulis sa Department of Justice laban kay Teodoro.
Tiwala rin si Teodoro na mababasura ang kasong rape laban sa kaniya habang desidido itong ipursige ang perjury case laban sa dalawang police.
-- ADVERTISEMENT --