-- ADVERTISEMENT --

Pormal nang nanumpa ngayong araw si former Department of Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla bilang ikapitong Ombudsman ng bansa.

Pinangunahan mismo ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen ang oath taking ceremony nito sa Korte Suprema, lungsod ng Maynila.

Ang pagkakatalaga ni Ombudsman Remulla para sa naturang posisyon ay kasunod nang siya’y piliin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. mula sa shortlist ng Judicial and Bar Council.

Sa kanyang panunumpa, siya’y itinuturing nang ganap at opisyal na Ombudsman kapalit o kasunod ng pinalitan niyang nagretirong si Samuel Martires.