-- ADVERTISEMENT --
Malaki ang posibilidad na wala na sa US si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.
Base kasi sa US Customs and Border Protection, noong Agosto 26, 2025 ng dumating ang mambabatas sa New York.
Nabigyan ito ng tourist visa ng hanggang Pebrero 25, 2026.
Pagkatapos umano ng 19 araw ay umalis ang mambabatas sa New York.
Hindi naman matiyak ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, kung nasa Europa na ba si Co.
-- ADVERTISEMENT --
Una ng sinabi ng tagapagsalita ng House of Representatives na nasa US si Co dahil sa magpapagamot ito sa kaniyang sakit.
Magugunitang binawi ni Speaker Dy ang travel order ni Co at kaniyang pinapabalik sa bansa para sagutin ang isyu ng budget insertion noong 2025 national budget.