-- ADVERTISEMENT --

Natapos na ang kampanya ng Alas Pilipinas sa FIVB Volleyball Men’s World Championship.

Ito ay matapos na hindi sila nakaporma sa Iran 21-25, 25-21, 17-25, 25-23, 22-20 sa ginanap na Mall of Asia Arena.

Itinuturing na ang laro ay siyang may pinakamalaking attendance mula ng magsimula ang torneo.

Mula sa simula ay naging matindi ang palitan ng puntos ng dalawang grupo.

Tanging ang Iran lamang nag-iisang Asian squad na naiwan sa torneo matapos ang pagkatalao ng Pilipinas, fan favorite na Japan, South Korea, Qatar at China.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat talo ay pinuri pa rin ni Alas coach Angiolino Frigoni ang kaniyang koponana dahil sa magandang laro na ipinamalas nila lalo ng magtala sila ng kasaysayan ng talunin ang Egypt.