-- ADVERTISEMENT --

Isinasapinal na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tax fraud audit sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya at kanilang kompaniya.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., bago pa man pumutok ang kontrobersiya sa flood control projects, nagsasagawa na sila ng audit sa mga Discaya dahil mayroon na aniyang naunang reklamo laban sa mag-asawa at sa kanilang kompaniya.

Para mapabilis ang isinasagawang audit, nakikipag-ugnayan na rin ang bureau sa ibang mga ahensiya ng gobyerno.

Binigyang diin din ng opisyal na kailangang matiyak na kumpleto at tama ang kanilang findings para matukoy kung ano ang kanilang pananagutan sa pagbubuwis at posibleng maisampang criminal liability laban sa Discayas.

Maliban sa mga Discaya, magsasagawa rin ng tax fraud audit ang ahensiya sa iba pang top contractors sa flood control projects.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga mabibigong magpresenta ng kanilang updated tax clearance ay pagbabawalang makilahok sa bidding sa gobyerno.