-- ADVERTISEMENT --
Pasok na sa quarterfinals ng 2025 Sao Paulo Open, Brazil si Pinay tennis star Alex Eala.
Nadomina kasi nito sa laro si Julia Riera ng Argentina 6-1, 6-4 sa Round of 16.
Ito na ang pangatlong paghaharap nina Eala at Riera na ang una ay tinalo niya ang Pinay tennis player sa 2024 French Open qualifier.
Pagkalipas ng ilang buwan ay nakabawi si Eala 6-3, 6-1 sa ginanap ITF W100 Cary.
Susuno na makakaharap ni Eala si Janice Tjen ng Indonesia ang ranked 130 sa WTA.
-- ADVERTISEMENT --