-- ADVERTISEMENT --

Nagsagawa ng matinding ensayo ang Gilas Pilipinas para sa paghahanda sa paghaharap nila laban sa Australia Boomeer sa quarterfinals ng 2025 FIBA Asia Cup na ginaganap sa Jeddah, Saudi Arabia.Philippine travel guide

Ayon kay Gilas coach Tim Cone na wala silang sinayang na oras para sa ensayo matapos nilang talunin ang home team na Saudi Arabia nitong madaling araw na ng Martes.

Ito kasi ang unang pagkakataon na muling makakaharap nila ang Australia matapos ang pagsiklab ng gulo sa pagitan ng mga manlalaro noong 2018 sa Philippine Arena sa kasagsagan ng ng 2019 FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers match.

Malaking hamon sa Gilas ang Australia na nasa ranked 7 sa buong mundo at kahit na walang NBA players ay nananatiling wala pa rin silang talo sa Group A.

May tsansa rin na muling makaharap ng Gilas Pilipinas ang tumalo sa kanila na Chinese Taipei kung manalo sila laban sa Australia.Philippine travel guide

-- ADVERTISEMENT --

Habang dapat manalo rin ang Chinese Taipei laban sa Iran.

Gaganapin ang laban ng Gilas at Australia dakong alas-7 ng gabi nitong Agosto 13.