-- ADVERTISEMENT --

Patay ang isang pulis at isang dating bilanggo, habang sugatan naman ang isa pang pulis sa umanoy barilan sa loob ng Carmona Police Station, umaga ng Miyerkules, Hunyo 2, 2025.

Kinilala ang mga nasawi na sina M/Sgt. Joel Mendoza at Oliver Tinguha, alyas Ahmad habang sugatan naman si S/Sgt. Joseph Martin Fabula na tinamaan sa paa.

Ayon sa ulat, inireklamo si Tinguha ng pagnanakaw kung saan habang nasa loob ng himpilan ng pulisya ay inagaw nito ang baril ni Mendoza at nagpaputok, na naging sanhi ng pagkamatay ng pulis at pagkasugat naman ni Fabula.

Napilitang gumanti ang ibang pulis, na ikinasawi rin ni Tinguha.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa nasambing insidente.

-- ADVERTISEMENT --