-- ADVERTISEMENT --

GENERAL SANTOS CITY- Nasa 15 kasong syndicated estafa na ang isinampa laban sa isang BJ Kevin Mancao, 25 taong gulang na residente ng New Society, Barangay Apopong nitong lungsod na isa sa mga incorporators ng ALAMCCO.

Itoy kasunod ng pagkakahuli ng mga otoridad kay Mancao sa Maasim, Sarangani Province.

Ang ibang mga warrant of arrest ang isinilbi na kay Mancao habang nasa sa loob ito ng kulungan.

Nabatid na walang inirekomendang piyansa ang korte sa mga kaso ni Mancao para sa kanyang pansamantalan kalayaan.

Subalit umaasa pa rin ang mga nalokong investors na mismo ang founder ng ALAMCCO na si Jerson Cagang at iba pang mataas na mga opisyal ng naturang grupo ang mahuli matapos makulimbat ang bilyong piso mula sa namuhunan.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang sunod-sunod na nagreklamo sa korte ang mga investors dahil sirado na ang opisina sa ALAMCCO at hindi na naibigay ang kanilang 40% na interes bawat buwan.