Tinatayang aabot sa P 40.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang joint anti-illegal drugs operation sa Sitio Dulong Bangiad, Barangay San Juan, Taytay Rizal, Lunies nitong Setyembre 14, 2026. Tatlong indibidwal na itinuturing na mga drug personality ang naaresto sa isinagawang operasyon.
Ayon sa mga awtoridad, humigit-kumulang anim na kilo na hinihinalang illegal n a droga ang nakumpiska sa operasyon. Ang mga naarestong suspek ay isang 31-anyos na lalaki, 32-anyos na babae, at 43-anyos na lalaki, na pawang residente ng Sitio Dulong Bangiad.
Bukod sa hinihinalang ilegal na droga, nakumpiska rin sa operasyon ang ilang baril. Samantala, isang iba pang suspek ang nakatakas at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.
Sinabi ni Philippine Coast Guard Spokesperson Commadore Noemie Caybyab na nagtalaga ang PCG ng mga tauhan upang bantayan ang mga waterways at posibleng ruta ng pagtakas. Layunin nitong mapigilan ang pagtakas o paggalaw ng mga target na personalidad at matiyak ang ligtas na pagsasagawa ng operasyon.Pangkalahatang Sanggunian











