-- ADVERTISEMENT --
Nanawagan si World Health Organization (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesus natulungan mailikas ang nasa halos 15,000 na mga pasyente palabas ng Gaza.
Ang nasabing mga pasyente ay nangangailangan ng agarang atensyong medical na hindi makikita sa Gaza.
Isinagawa nito ang panawagan matapos ang pagpapalikas ng WHO sa 32 mga bata at anim na may edad kasama ang 99 na iba pa na gagamutin sa ibang bansa gaya ng Italy, Belgium at Turkiye.
Hinikayat din ng WHO chief ang mga bansa na tanggapin ang mga pasyente kasabay din nito ang panawagan na dapat mabuksan na ang ibang ruta sa West Bank kabilang ang East Jersulembago pa mahuli ang lahat.
-- ADVERTISEMENT --