-- ADVERTISEMENT --

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng publiko matapos i-ulat na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang isang malakas na lindol na tumama sa Kuril Islands sa Russia ngayong araw ng Linggo, Agosto 3.

Sa inilabas na Tsunami Information No. 1 ng PHIVOLCS, sinabi nilang walang destructive tsunami threat base sa available na datos ng Department of Science and Technology (DOST).

Nabatid na ang magnitude 6.7 ay unang napaulat na tumama sa Kuril Islands sa Russia bandang ala-1:38 p.m. (oras sa Pilipinas).

Habang ang US Geological Survey at Pacific Tsunami Warning System ay nagtala naman ng magnitude 7.0.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na noong Hulyo 30, isang malakas na magnitude 8.8 na lindol ang tumama sa Kamchatka Peninsula ng Russia, na nagresulta sa isang tsunami alert sa mga baybaying-dagat sa Pasipilko at silangang bahagi ng Pilipinas, ngunit na-lift din pagdating ng hapon.