-- ADVERTISEMENT --
Walang nadamay na Filipino sa naganap na suicide bombing sa isang mosque sa Islamad, Pakistan.
Ito ay base sa pagkumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ang pakikipag-ugnayan nila sa nasabing bansa.
Mahigpit ang ginagawang monitoring ng embahada ng Pilipinas sa Pakistan sa kalagayan doon.
Natitiyak nila na maibibigay ang lahat ng tulong sa mga apektado ng kaguluhan doon.
Magugunitang nasa 31 katao ang nasawi at 170 ang sugatan matapos ang suicide bombing sa loob ng mosque nitong araw ng Biyernes.
-- ADVERTISEMENT --










