-- ADVERTISEMENT --

Sa gitna ng pinal na desisyon ng International Criminal Court (ICC) na kinikilala ang hurisdiksyon nito sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, nagpaabot ng mensahe ng suporta ang kanyang anak na si Veronica “Kitty” Duterte sa mga tagasuporta ng pamilya.

Noong Miyerkules, ilang oras matapos ibasura ng Appeals Chamber ang apela ng kampo ng dating pangulo, binigkas ni Kitty ang tulang “Invictus” bilang simbolo ng katatagan at paglaban sa gitna ng mga hamon at batikos.

Nagpahayag ng matinding suporta si Kitty para sa kanyang ama, sa gitna ng patuloy na usapin na kinakaharap nito.

Ayon kay Kitty, nananatiling matatag ang dating pangulo at patuloy ang suporta ng kanilang pamilya at mga tagasuporta sa kabila ng mga batikos at kontrobersiya. Binigyang-diin din niya na mananatili ang impluwensya ng kanyang ama sa isipan ng maraming Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --