-- ADVERTISEMENT --

Ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang pinagsamang mga petisyon ‘habeas corpus’ kumukwestyon sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo ‘Roa’ Duterte tungo The Hague, Netherlands.


Ayon sa Korte Suprema, naging ‘moot’ na ang mga petisyon sapagkat hindi na maaaring ipatupad pa ng lokal na korte ang kautusan.

Ito anila’y dahil sa kasalukuyan ay nasa mga kamay at kustodiya na ng International Criminal Court o ICC ang dating pangulo.

Sa desisyon isinulat ni Associate Justice Japar Dimaampao, ibinasura ng Supreme Court En Banc ang mga petisyon inihain nina Sebastian, Veronica at Paolo Duterte sa ngalan ng kanilang ama sa botong 9 pabor, habang 4 kumontrang mahistrado.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na hindi ‘enforceable’ ang ‘habeas corpus’ sa labas ng bansa dahil isa itong ‘domestic remedy’ at sumasalamin sa prinsipyong walang awtoridad ang hukuman sa hindi nito teritoryong bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Habang binigyang linaw naman ng korte na ang desisyon ay patungkol lamang sa hiling na ‘habeas corpus’ at hindi saklaw ang isyu kung may nalabag na karapatan sa kanyang pag-kakaaresto at pagkakadala sa ICC.