Pinayuhan ng US ang mga staff ng kanilang embahada sa Israel na lumikas na.
Kasunod ito sa maaaring gawing pag-atake ng Israel sa Iran sa lumalalang tensiyon ng usaping nuclear.
Ayon kay US Ambassador to Israel Mike Huckabee na walang dapat ikabahala dahil nais lamang maging maagap.
Pinayagan na ng US State Department ang mga non-emergency staff at mga kaanak nila na umalis na ng Israel para sa kanilang kaligtasan.
Habang ang United Kingdom naman ay tuluyang ay pinalikas ang kanilang staff mula sa Tehran dahil sa banta ng pag-atake ng US.
Maging ang mga bansang India, China at Canada ay pinalikas na rin ang kanilang mga mamamayan na nasa Iran.
Magugunitang nakaposisyon na ang mga aircraft carrier ng US malapit sa karagatan ng Iran kung saan inihahanda na ang anumang pag-atake.











