-- ADVERTISEMENT --

Muling nagsagawa ng pag-atake ang US military laban sa barko na nagdadala ng droga sa karagatan ng Venezuela.

Inanunsiyo ni US President Donald Trump na anim na ang nasawi sa panibagong operasyon.

Dagdag pa ng US President na ang nasabing barko ay konektado sa Terrorist Organization na hindi na niya pinangalanan.
Ito na ang pang-limang operasyon ng US laban sa mga barko na nagdadala ng iligal na droga.