-- ADVERTISEMENT --
Nagbigay ng hanggang araw ng Linggo si US President Donald Trump bilang ultimatum sa mga Hamas na tanggapin nila ang 20-point plan ceasefire sa Gaza.
Ayon kay Trump na sobra na ang ginagawang krimeng ng Hamas at maraming sibilyan ang nadamay kaya marapat na tanggapin na nila ang ceasefire deal.
Pagbabanta ni Trump na kapag hindi tumugon ang Hamas ay makakaranas sila ng hindi maganda dahil nais nilang maipatupad ang kapayapaan sa Gitnang Silangan.
Ang nasabing peace plan aniya ay natalakay na sa grupo ng mga Arab at Muslim leaders noong Setyembre at nitong Lunes ay sumang-ayon si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa isinusulong ng US na ceasefire deal.