Hawak na ng Oklahoma City Thunder ang ika-15 panalo ngayong season matapos talunin ang Sacramento Kings, 113-99.
Ang defending champion ang unang koponan sa NBA na nakaabot sa 15 panalo ngayong season, at siya rin ang nag-iisang team na may iisang talo pa lamang sa kabila ng 16 larong pinagdaanan.
Sa panibagong tagumpay ng Thunder, naipasok ni Shai Gilgeous-Alexander ang 12 field goals at nagtala ng 33 puntos, kalakip ang walong rebounds.
Muli ring nagpakitang-gilas si Oklahoma forward Chet Holmgren na kumamada ng 21 puntos, pitong rebounds, at tatlong blocks.Hawak na ng Oklahoma City Thunder ang ika-15 panalo ngayong season matapos talunin ang Sacramento Kings, 113-99.
Ang defending champion ang unang koponan sa NBA na nakaabot sa 15 panalo ngayong season, at siya rin ang nag-iisang team na may iisang talo pa lamang sa kabila ng 16 larong pinagdaanan.
Sa panibagong tagumpay ng Thunder, naipasok ni Shai Gilgeous-Alexander ang 12 field goals at nagtala ng 33 puntos, kalakip ang walong rebounds.
Muli ring nagpakitang-gilas si Oklahoma forward Chet Holmgren na kumamada ng 21 puntos, pitong rebounds, at tatlong blocks.
Hindi nakabawi ang Kings sa maagang kalamangan ng Thunder, sa kabila ng pagsisikap nitong maungusan ang kalaban sa bawat quarter.
Sa huli, ipinalasap ng defending champion sa Kings ang ika-12 pagkatalo, sa kabila ng 21 puntos at 5 rebounds ni Sacramento sixth man Dennis Schroder.
Sa pagkatalo ng Kings, wala itong naitalang blocks, habang umabot sa sampu ang nagawa ng Oklahoma sa kabuuan ng laban.











