-- ADVERTISEMENT --

Ibinunyag ng mga kapulisan sa United Kingdom na nakipag-alyansa sa terorist group na ISIS ang suspek na umatake sa synagogue sa Manchester.

Sa nasabing atake ay nag-iwan ng dalawang katao ang nasawi at ilang ang nasugatan.

Ayon sa United Kingdom counterterror police na inamin ng suspek na si Jihad al-Shamie na tumawag muna ito sa emergency service at nagdeklara na ito ay inutusan ng ISIS.

Magugunitang inatake ng suspek ang Heaton Park Hebrew Congregation Synagogue sa Manchester.

Tumawag ang 35-anyos na British citizen at Syrian descent sa telepono matapos ang pag-araro ng kaniyang sasaky sa mga tao at pananaksak noong Oktubre 2.

-- ADVERTISEMENT --

Sa nasabing insidente rin ay aksidenteng nabaril ng pulis ang isang nasawing biktima na si Adrian Daulby, 53-anyos.

Patuloy din ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung may iba pang mga kasamahan ang suspek sa ginawa nitong pag-atake