-- ADVERTISEMENT --

Pinabulaanan ni Department of Justice Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na mayroong katotohanan ang alegasyong ‘disqualified’ siya sa aplikasyon ng pagka-Ombudsman.

Kasunod sa pagkalat ng isyu online na nagsasabing diniskwalipika ng Judicial and Bar council ang kanyang aplikasyon, itinanggi niyang ito’y tamang impormasyon.

Ayon kay Justice Secretary Remulla, hindi ‘accurate’ ang kumakalat na ulat sa mga social media platforms na nagsasabing bunsod ito ng kanyang ‘pending’ na kaso sa Office of the Ombudsman.

Maalalang sinampahan siya at iba pa ng reklamo ni Senadora Imee Marcos ng paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act, Arbitrary Detention, Usurpation of Judicial Functions, Grave Misconduct at iba pa kaugnay sa naging pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

Kaya’t sa kabila nito’y inihayag ni Secretary Remulla na hindi niya umano isusuko ang aplikasyon sa layon maging Ombudsman.

-- ADVERTISEMENT --

Habang kaugnay pa rito, binigyang linaw na ng Korte Suprema na hindi pa pinal ang opisyal na listahan ng Judicial and Bar Council sa mga nag-a-apply ng posisyong pagka-Ombudsman.

Magugunitang nabakante ang naturang posisyon dahil sa nagretirong si former Ombudsman Samuel Martires.

Sakaling mapili pa rin si Secretary Jesus Crispin Remulla bilang pagka-Ombudsman, kanyang iiwanan naman ang pagiging kalihim ng Department of Justice.