-- ADVERTISEMENT --
Ikinatuwa ng fans ng grupong Sexbomb dahil sa magkakaroon sila ng ikatlong bahagi ng kanilang reunion concert.
Ayon sa grupo na gaganapin ito sa Pebrero 6 sa Mall Of Asia.
Sinabi ng isa nilang miyembro na si Rochelle Pangilinan na mayroong ibang mga anunsiyo ang kanilang ilalabas sa mga susunod na araw.
Magugunitang noong Disyembre ay naging matagumpay ang dalawang gabing sold-out concert ng grupo na dinaluhan ng ilang mga local celebrities.











