-- ADVERTISEMENT --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Joe Kent, ang isang senior US Intelligence official na itinalaga ni US President Donald Trump.

Sa kaniyang social media account ay kinumpirma nito ang pagbitiw sa puwesto bilang Director of the National Counterterrorism Center.

Dagdag pa nito na hindi na makayanan ng kaniyang konsensya ang mga nagaganap na giyera sa Iran.

Giit nito na wala namang anumang banta sa US ang Iran at dahil sa pressure mula sa Israel ay isinagawa ang pag-atake.