-- ADVERTISEMENT --

Pinuna ni senator-judge Raffy Tulfo ang House prosecution panel dahil sa pagsalang umano ng mga witness na wala namang sapat na maitutulong sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Tulfo, may mga pagkakataong nagsasayang lamang ng oras ang paglilitis dahil sa mga witness na hindi naman kailangan para sa pagdinig.

Aniya, kapansin-pansin din umano na nawawalan ng atensyon ang ilang senador habang isinasagawa ang pagtatanong sa mga naturang witness.

Iginiit ni Tulfo na dapat tiyakin ng prosecution na bawat witness na kanilang isinasalang ay may mahalagang impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon sa impeachment case.